"It's too much,"
Eh, pano ba naman kasi hanggang ngayon dinadala mo padin. Hanggang ngayon nakalugmok ka jan. Ano pabang hinihintay mong bumangga sayo para matauhan ka? Ano pa bang hinihintay mo? Nakakabaliw kana din talaga.
"Hindi mo ko naiintindihan eh, sinusubukan ko naman diba?"
Lintik na pagintindi yan! Kaya ka naloloko eh, kakahanap mo sa mga taong pakiramdam mo naiintindihan ka. Ano nangyari sa mga taong sinabi mong naiintindihan ka? Wala di ba? Iniwan ka lang ulit di ba? Gusto ko sabihin na oo mali sila, pero hindi eh. Paulit-ulit nalang tayo dito Thea. Hindi ka ba
"Puro ka salita eh! Ano ako na naman yung mali? Ano bang mali? Wala namang nagsasabi kung anong mali sakin eh. Nakakapagod na.
Tanga ka ba o bulag lang talaga?
"Sige ipamukha mo pa!
Ano ba ko dito? Isang dekada na kong nakatayo sa tabi mo. Oo hindi kita naiintindihan pero sinusubukan ko din naman ah, kulang ba sa pagpaparamdaman na tangina sinusubukan ko naman? Hindi ba ko pwede magsalita? Ano bang dapat gawin dito, umiyak din ako habang naiyak ka para malugmok ka lalo? Ganun ba yung tingin mong naiintindihan ka? Gusto ko lang sabihin, isang beses lang, Nakakapagod ka, sobra. Pero hindi kita aalisan.
"Sorry."
Tama na yang sorry na yan. Matagal ko namang tanggap na hanggang dito lang ako eh. Pero baka pwedeng wag mong hanapin sa iba yung mga bagay na ginagawa ko na. Nakakadurog eh, ano ba 'to Thea. Sabihin mo nalang gusto mo pa ba ko dito o adjoran na tayo. Hindi ako magalaw dito.
----------
*Umiiyak na naman tong bruhang to.
Pero alam mo alam ko namang kung sinong tanga dito.
Alam ko naman na walang ibang masisisi*
Ewan ko ba, panata na ata to.