Tahan na
Tagalog

Tahan na

by

daily life
memories

Hindi pa ba ubos yan?

Pigang piga na hindi ba? Hanggang ngayon ba hindi kapa nagsasawang lumingon sa kung saan saan para sa mga bagay na alam mo namang na hindi mo lubusang maiintindihan. Hanggang ngayon ba tingin mo may dapat kapang malaman para tuluyang mapalaya nayang bigat na binaba mo lang sa tabi ng kama?

Nabawasan nadin naman hindi ba? Butil bawat araw sa loob ng halos limang taon mo nading sinusubukang palayain nayan. Oo, alam ko. Hindi madali, hindi naman sinasabing ala-ala yang itapon mo eh. Yung bigat, bitawan mo na. Hindi mo tuluyang mayayakap yung mga nalalabing araw kung nakakapit kapa jan.

Mahalaga. Alam nating dalawa lahat ng saya at sakit na dumaan. Kasalanan mo man o hindi, ginusto mo man o hindi. Gusto ko lang naman sumaya ka ulit, mahalin yung mga araw kagaya ng dati. Yung magaang kanang ngingiti ulit ng hindi isinisisi sayo lahat. Tanggap mo na hindi ba? Na hindi naman aayon ang panahon sa lahat ng tao sa bawat segundo. Iba iba, pero may tiwala ka hindi ba? Magtiwala ka.

Magtiwala ka sakanila. Kaya nila, at hiling ko din na kayanin nating dalawa.

Alam ko kung gaano mo gustong tumakbo palapit sakanila. Pero tahan na muna tayo, dito na muna tayo. Marami kapang aayusin dito.

Dito, kung nasaan tayo.

Headline image by dannyg on Unsplash

0