Tamlay
Tagalog

Tamlay

by

creativity
relationships
daily life
memories
dialogue

Ang hirap lumangoy sa agos ng buhay

sa tubig makikita mo kung saan to papunta

kung hanggang saan mo lang kaya

makakapaghanda sa agos na hindi pa nakikita

pwedeng umahon pag pagod na

pwedeng hindi na bumalik kung ayaw na talaga

pwede mong laruin yung agos

pwedeng mamili ng sasakyan

pwedeng maglaro sa mababaw

pwedeng maglaro sa malalim

pwede kang samahan

pwede ka mag-isa

pwede din sa lugar na may siguradong magsasalba

Sa buhay hindi mo alam kung saan to papunta

pwede kang sumabay pero hindi ka pwede magreklamo

pwede ka sumakay pero titingnan yung bitbit mo

kailangan nasa listahan ang mga 'to

bago ka paupuin ng mga tao

Ano bang bitbit mo?

sa panahon ngayon na mas pinapaboran ang magaang

mas mahalaga ang mga hindi nakikita

mas nakakapagpasaya yung mga hindi mapapanghawakan

walang sanga dito, walang tyansa makapagpahinga sa agos

Hindi pwede

Hindi kaya

Ubod ng daming bitbit, puro bigat

puro wasak, puro nalang ba sumbat?

Hindi pwedeng tumigil

Hindi pwedeng bumitaw

Mabigat ang buhay pag buhay ang dala.

Anong bitbit mo?

Headline image by translytranslations on Unsplash

1