Gulo
Tagalog

Gulo

by

mindfulness
relationships
daily life
memories
community

Ang tahimik ng mundo

pero ang gulo sa loob ko

sulat dito, tapon doon

humahalakhak ngayon,

hahagulgol sa tuwing may pagkakataon

Napagaralan ko nadin namang tumahan

pero kahit pa tumahan na

ramdam pa din na lumuluha

hindi naman daw talaga nakakaramdam ang puso

guni-guni o delusyon ko lang lahat ng ito

pero ambigat

pero ang hirap huminga

pilit ng tawa

pigil na mga kamusta

kasinungalingan din ang bawat ayos lang

Ayos lang, pero may tagas

may kung anong basag sa loob na kailangan tapalan

Hindi kaya ng magaling na mekaniko

sa utak, baka doon daw may problema

Baka nga.

Ewan.

Ang gulo ng mundo, kahit ang tahimik naman dito.

Headline image by tama66 on Unsplash

0