May mga bagay na hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang sarilinin
hindi ko alam kung makakabuti bang sabihin
o makakadagdag lang sa pasanin.
"Ambigat naman ng dalahin mo Neng."
Tama. Pero siguro lahat naman.
Ramdam yung bigat sa babaeng nagtitinda sa may kanto namin kahit abot hanggang tenga yung ngiti niya.
Araw-araw lagi niyang pansalubong 'to, aalis ka ding punong puno siya ng pasasalamat sa pagbili ng Ice candy na tinda niya.
Ang ganda niya. Tama nga sila, ang ganda ng mga tao pag nakatawa.
Pero paano pag ikaw na yung tinatawanan, magiiba naba yung tingin mo sakanila?
Pwede ko padin bang ilagay ang sitwasyon nato sa alin man sa mga kahong 'to;
"Ako ang dahilan ng pagiging masaya."
"Okay lang basta masaya siya."
"Basta ang importante, masaya."
Masakit eh, pagtawanan. Totoo man o hinala lang. Masakit, alin man.
Siguro kaya galit na galit o napakahirap magpatawad pag niloloko tayo.
Alam mo na hindi totoo,
Alam mo na mas makakabuting alisan nalang lahat ng 'to,
Pero nararamdaman mo.
Alin ba ang totoo?
Yung sinasabi at nakikita mo?
O yung pinaparamdam sayo ng tao?
Ilang taon nadin ang lumipas hindi ko padin nakakalimutan yung tanong ni Tatay,
"Saan ka ba talaga, sa nasasaktan ka pero totoo? O sa puro sarap pero nanloloko?"
Tinawanan ko si Tatay, napakadaling sagutin ang sambit ko.
Hay, ang tagal nading binibiyak ng mga tanong yung ulo ko.
Laban! sabi nila.
Napakahirap manalo;
Kailangan kong tumawa habang pinagtatawanan ng buong mundo.
Headline image by nadineshaabana on Unsplash