Ulan
Tagalog

Ulan

by

weather
mindfulness
relationships
daily life
memories

Bakit kaya ganun?

Parang sumasabay sa panahon yung nararamdaman ko. Kahapon lang ganado, ngayong araw parang pinagbagsakan na naman ng buong mundo. Kahapon lang tuloy tuloy yung mga gusto mong gawin. Ang ganda ng mga plano. Madaming nakikita ng pupwede pang mangyari maganda kahit hindi naman malinaw kung pano.

Ilang araw naring malakas yung ulan. Ilang araw nading naambunan yung bintana. Yung tubig kahit anong linis nagmamarka padin. Nakadepende kung anong mangyayari at kung anong klase ng marka ang maiiwan sa kung saan ito babagsak.

Sa lupa. Pag dito siya bumagsak pwede panginabangan ng mga halaman. Pwede din matulungan maagos at makapaglinis sa daan. Sa ilang lugar, baka sagot din to sa madaming panalangin, saklolo sa mga nanunuyong lupa.

Meron ding mga ayaw dito. Mga lugar na napinsala ng mga malakas na bagyo, mga taong nahihirapan sa araw-araw na ang tawag nalang dito ay perwisyo. Meron din sigurong mangilan ngilan na malungkot pag naulan. Ewan ko ba kung anong meron, sa lamig ba? O baka madaming naalala ang mga tao pag tag-ulan.

Kagaya ko. Napapatulala nalang ako dito sa bintana. Nakakatamad punasan kasi bukas baka umulan na naman. Hihintayin ko nalang siguro matapos tong ulan para isang punas nalang. Pero ang lungkot niya tingnan. Hindi ko naman makita ng malinaw ung nasa labas pero ewan ko.

Baka dahil lang siguro maulan

Baka dahil lang sa mga naaalala

Baka dahil lang sa tunog ng ambon

Baka dahil lang wala kaming gawang payong

madaming dapat unahin kaysa sa bagong payong

Baka nagdradrama lang daw sabi ni Nanay

ang totoo daw tinatamad lang ako magpunas.

Siguro nga, baka nga.

Ewan ko ba. Nakakainggit din e.

Bumagsak siya pero ang daming nangyayari.

Bumabagsak siya pero ang dami niyang nagawa.

Bumabagsak siya pero kaya niya mag-iwan ng marka.

Malaya siyang bumagsak at walang sino man ang pwedeng manisi sakanya sa kung ano man ang mangyayari.

Headline image by cg on Unsplash

0