Salamin, Salamin — Hindi 'to lyrics ng isang kanta
Tagalog

Salamin, Salamin — Hindi 'to lyrics ng isang kanta

by

meditation
culture
daily life
memories
community

6:13 AM, sampung minuto na siguro akong gising. Ikot dito, ikot dun iniisip kung ano nga bang dapat gawin ngayon. Ang hirap sagutin ng mga tanong na dapat. Simulan nalang natin sa ano bang di dapat. Ang hirap din.

Ano bang sagot dito? Sa totoo lang, hindi ko alam. Matagal naman talaga nating hindi alam kung ano bang dapat gawin. DAPAT GAWIN.

Andaming gawain, minsan nakalista, minsan hindi. May mga oras na wala. May mga gawaing ginagawa dahil gusto at may mga gawain din na hindi.

Sa likod ng lahat ng 'to may isang tanong, ito nga ba yung dapat?

Nakakatuwa yung iba, nagagawa kung anong gusto nila. Pati nadin yung mga taong nakislap yung mga mata habang kinukuha nila yung mga 'to.

Ewan ko ba. Hindi ko matandaan kung may nabasa ako o may narinig o may nagsabi sakin na meron daw tayong "Brain Mirror". Meron daw tayong kung anong salamin sa bandang unahan ng noo na hindi natin nakikita. Dapat daw lagi nitong bitbit sa kung saan man. 'to daw ang magpapaalala satin ng mga bagay na madalas nakakalimutan natin.

Hindi ko matandaan kung kailan ko siya natuklasan e. Susubukan ko alalahanin para maisulat kung paano.

Mabigat na masaya, ganun yung pakiramdam ng bitbit siya.

Hindi naman kailangan hawakan pero mabigat,

Hindi nahahawakan pero nakakapagpasaya.

Madalas ko 'tong nagagamit sa mga panahong gusto ko ng sumigaw nako sa galit.

Pag may nagsasalita ng hindi maganda tungkol sakin o kahit kanino man.

Alam mo yung pakiramdam nang lalabas na yung salita kasama nung namuong enerhiya sa may tiyan mo habang nagtitimpi ka? Siguro totoo yung napapanood natin sa mga anime. Saan ko nga ba nakita, madami e. Sige, yung sa Dragonball nalang. Yung iniipon nila na parang chi. Chi nga yata.

Naiipon, naibabato sa paraan na gusto natin at kung san at paano. Napipili din natin kung ibabato o ihihinga nalang natin ng malamin at bibitawan para maglaho sa nalang sa hangin.

Pag natutunan nating gamitin yung salamin, 'to yung tutulong sa kamay nating hindi ibato yung naipon. Ito yung tutulong sa isip natin na kumalma kapag parang sasabog na sa lahat ng bagay na dala. Ito din yung tutulong sa ating huminga ng malalim pag nanginginig at sigaw na sigaw na.

Ano nga ba yung pinapakita ng salamin na 'to?

Pag may nagsasabing Antanga mo naman. Sa una gusto mong tanggapin tapos sumagot ng hindi. Ilahad lahat ng bagay kung bakit tingin natin hindi tayo tanga o kung ano man.

Sabi ni Nanay hindi ko daw kailangan tanggapin lahat ng bagay na binibigay sakin. Gamit yung pinaguusapan namin, pero mas madalas ibigay ng mga tao yung mga pananaw nila. Madaling tanggapin pag tungkol sa iba, pero kapag inisip natin na kung ano mang sabihin ng tao patungkol sa iba e sinasabi niya din sa atin (dahil kasama ka naman sa iba) baka mas lumawak yung kayang ipakita ng salamin.

Antanga mo naman. Baka nga. Kasi hindi ko makita at hindi ko malaman kung ano yung dapat kung gawin para matulungan yung iba. Na baka akala ko nalang nakakatulong ako, baka imbis na oo. Baka ako pa naglulubog sakanila dito. Baka hindi ko makita na sa kagustuhan kong protektahan yung tao kahit na ako yung nasasaktan, baka ito pa yung dahilan kung bakit hindi kami makagalaw dito. Baka sa kagustuhan kong maging komportable yung pamumuhay nila, baka mas lalo silang nahihirapan. Baka naman sa kagustuhan kong maintindihan yung mga bagay na hinanda ko na ata yung sarili ko sa lahat ng salitang ibabato e lalo nakong napuno at nalito.

Hindi nakakapagsalita 'tong salamin. Napakahirap dalhin. Basta may ipapakita nalang siya sayo tuwing may gagawin ka. Hindi mo alam kung ano to.

Ito ba yung dapat gawin

Ito ba yung hindi dapat gawin

Ito ba yung gusto ko

Ito ba yung gusto nila

Ano ba 'to? Gusto mo nalang tanongin.

Ang hirap eh. Nasa sa atin lahat ng sagot e.

Ang hirap sa salamin, laging baliktad yung pinapakita nito. Kung titingnan lang natin literal sa kung paano niya ipakita, magkakamali tayo.

May sinabi si Nanay tungkol dito,

May punto sa buhay mo mapupunta ka sa isang sitwasyon at ipapakita sayo ng salamin lahat ng gusto mo, lahat.

Ngingiti at mangangamba ka kung bakit, ano ba 'to?

Para ba abutin o para isakripisyo?

Ewan ko, ang hirap pag alam mong may salamin sa utak mo.

Yung galaw mo, parang lahat hindi sigurado.

Ano ba 'to?

kaya naisip ko tama siguro sila, antanga ko naman talaga.

Siguro.

Headline image by tuvaloland on Unsplash

0