Utak "o" Puso
Tagalog

Utak "o" Puso

by

non-fiction
creativity
relationships
culture
daily life

Nakabukas lang yung kamay ko nagiintay kung anong pwedeng gawin natin dito. Habang wala pa pinagaaralan ko kung paano pa papalawakin tong nahihirapang utak. Nagagawa padin naman niyang magisip ng mga simpleng bagay kahit papaano. Hirap na sa komplikado, mabigat at malaki pa yung mga sugat na dala nito.

Hindi naman talaga kailangan pumili kung utak o puso e. Konektado, parang relasyon. Para silang magjowa. Childhood sweetheart na nakalaan ng ikasal sa isa't-isa at hindi na maaaring lumaya pa.

Yung lalake, sila yung utak. Nasa utak yung disisyon. Nasa utak kung pano mo dadalin yung bigat na hawak ng puso. Nasa utak kung hihigpitan niya ba to, kung hahayaan niya ba tong maging malayang tumibok, o ikakandado na parang may magagawa siya sa kung pano to tumitibok.

Yung babae, sila yung puso. Alam mo, wala silang magawa e. Kailangan nila tumibok kahit pagod na. Kahit ikaw tulog na, kahit nagtatrabaho ka, masaya ka man o hindi, natawa ka man o naiyak, naliligo, nakatulala atnagiisip. Kasi kailangan niya matulak yung dugo para mabuhay ka. Andaming kailangan paghatidan ng dugo. Hindi siya pwedeng tumigil kahit gustuhin niya. Kahit ikaw sukong suko na, hinding hindi ka niya susukuan. Mabigat ang puso. Hindi mo din naman masisisi yung mga utak kung bakit madalas kinakandado nalang niya ang mga to. Mas madaling gumalaw e. Mas magaang. Mas makakapagdisisyon siya ng walang hindi 'to sinasama sa eksena.

Nagkakatalo nalang sa pahinga. Pag kasi kinando ng utak yung puso, akala niya siya nalang magisa. Ramdam niya siya nalang magisa. Kailangan niya gawin to, gawin niya. Listahan na walang katapusan. Alam mo yung penrose? Para siyang hagdan na walang katapusan. Hindi mapapakali yung utak, para siyang laging may hinahanap. Para siyang laging may hindi nagagawa kahit pa ilagay lahat ng impormasyon na meron tong Internet sa utak niya siguro aakalain parin niyang may kulang sakanya.

Napapagod din ang mga utak. Kailangan nilang tanggapin 'to. Na makakapagpahinga lang sila kung matatanggap at hahayaan na humalinhin yung mga puso.

Pwede naman e' hindi ba? May mga bagay na hindi na kailangan ng utak. Malalaman mo kung alin 'yung mga bagay na yun. Malalaman mo pag pinipilit mong magisip pero wala ka ng maisip. Pag hinahanapan mo ng paraan pero wala ng gumaganang paraan.

Mararamdaman mo kung kailan pwedeng humalinhin ang puso.

Natuturuan naman parehas.

Yung puso na makinig. Na sumunod kasi mas alam ng utak yung kailangan nila gawin para maraos nila yung araw. Sunod lang, tibok. Yung magtiwala na hindi siya bibiguin ng utak, na hindi siya hahayaan ng utak. At kung sakali man may magkamali 'to, andiyan lang siya.

Mas magiging madali lahat pag alam nilang iisa lang naman sila. Konektado sa isa't-isa at hindi kontrolado ng isa.

Sa araw-araw na pagharap sa mundo, mas madaling tanggapin pag alam mong konektado. Mas madaling yakapin yung araw pag alam mong may kasama kang pupulot ng mga matitira piraso para harapin yung kasunod na araw.

Ewan ko a'. Mabigat lalo yung pag may kandado.

Isa pa, di naman din makakaalis.

Wala namang pinto palabas dito.

Headline image by polarmermaid on Unsplash

0