Mga Sulat sa Whiteboard
Tagalog

Mga Sulat sa Whiteboard

by

Kung may whiteboard man ang mundo, siguro tatlong salita lang malinaw na mababasa ko mula dito:

SARILI

PANGARAP

SAYA

Madaming salitang ang nasa ilalim. Yung iba sobrang liit hindi na mabasa. Yung iba naman siguro sa sobrang tagal nabura na ng hangin yung tinta. Gaya nalang ng pagtangay ng hangin sa mga ala-ala

Ala-ala. Tinanong ko dati yung Homeroom teacher namin kung sino ba nagpauso ng whiteboard. Bakit kailangan dun isulat yung mga reminders.

Sabi niya para mas madali daw makita yung mga mahahalagang bagay. Nakahiwalay na mismo sa mga shabu-shabung bagay lang.

Shabu-shabung mga bagay. Ito daw yung mga bagay na pwedeng oo ngayon tapos mamaya hindi na. Pwede rin iatras o iabante yung manibela ng buhay. Yung mga bagay na hindi touch move. Pwedeng wantusawang palitan o ipagpaliban. Ano kayang isusulat ng mundo sa ilalim nito.

Kape

Tulog

Ligo

Toothbrush

Trabaho

Linis

Gala

Alak

Yosi

Damit

Alahas

Sapatos

Cellphone

Libro

Musika

K-drama

Netflix

FB/IG/Tiktok

ML

RPG Games

... (Mga bagay na maiisip in between)

Andami pero atras abante.

Andami pero bakit ang gaang.

Dapat ba magaang?

Ang gulo ano? Pag mabigat nagrereklamo. Pag magaang pinagdududahan.

Sala sa init sala sa lamig, puro na nga lang sala. Wala ng tumama.

Akala mo naman may kung anong shooting board sa harapan mo.

Wala. Baka sakanila meron. Baka sila, meron.

Andaming wala sa whiteboard. Nasan na kaya?

Pamilya.

Asawa.

Anak.

Pagmamahal.

Kapwa Tao. T*ngina nasan yun?

Baka nabura na ng panahon o kaya nilipad na ng hangin.

Binatukan ako ng kaibigan ko. "Tanga ka ba, Non-permanent marker ginagamit dun diba? Ibig sabihin nagbabago, nabubura. Daanan mo lang ng kamay, ng kahit kaninong kamay burado na."

Ewan ko ba. Okay naman yung whiteboard, pero hindi ako palagay. Alam mo yun? Okay ka pero hindi ka palagay.

Napagalitan ako ng Homeroom teacher namin. Na naman.

"Sinabi ng whiteboard ang susulatan e. Bat permanent marker yang dala mo iha! Hindi yan pwede dito."

Hindi ako pwede dito.

Okay, gets ko na.

Baka hindi ako para sa whiteboard.

K.

Headline image by plhnk on Unsplash

0