Maglaro Tayo: Ikutang Bote
Tagalog

Maglaro Tayo: Ikutang Bote

by

creativity
relationships
culture
daily life
community

Hindi ko nadin maintindihan 'tong nararamdaman ko. Alam ko lang, nanginginig yung mga kamay ko. Parehas, kaliwa at kanan.

Noong una sa hinliliit lang ng kanang kamay. Hindi ba't dapat habang tumatagal unti-unting nawawala yung mga sakit. Sakit na nanggaling sa sugat, sakit na umusbong nalang bigla ng di namamalayan, o sakit man sa mga memoryang hindi natin mabura-bura.

Ayaw mabura, walang pambura. Minsan nagwawalawalaan, pero may mga bagay na hindi kayang ikutin kahit pa sabihin nating buong buhay kanang nagpapaikot.

Bote. Umiikot na naman yung bote.

Nakakakabang panoorin habang naikot. Nahiling o nagdadasal ka sa Hari ng Hangin na wag ako, o ng wag sayo.

Pero kung di ikaw, sino?

May mga bagay na hindi pupwedeng tayo.

Oo, kahit parehas pa ng gusto.

Nakakatuwa naman 'tong bote. Berde, luma, gamit na pero may kapangyarihang magturo at magpasunod ng kung sino. Tatapatan niya lang, bibigay na sakanya yung tao.

Oo, pupwede padin namang mamili. Sasabihin o gagawin.

Pero saan kaba nakakita ng taong susunod nalang sa ipapagawa mo ng hindi alam ang dahilan kahit pa kapalit e kahihiyan

Ahh, pera. Tama, tama ka naman. Pero alisin natin yan, dito lang tayo sa usapang bote. Panatilihin nating sagrado, wag nating haluan ng larong anino.

Wala. Wag ka ng mag-isip. Minsan hindi naman natin kailangan ng isip. Aminin mo man o hindi, madalas hindi naman na 'to ginagamit.

Bote. Umiikot padin yung bote. May katabi ako - babae. Tumapat sa gitna namin, tinuturo yung hangin.

"EEHHH! Hindi pwede."

(Ang ingay, abot hanggang kaluluwa.)

Sabi sayo e, hindi pwedeng wala.

Hindi pwedeng gitna.

Hindi pwedeng pumagitna.

Dapat kanan lang o kaliwa.

Dapat lalake lang o babae.

Hindi pupwedeng sumaliwa.

Hindi daw pwedeng gumitna,

baka sakaling tumama.

Nakakatakot pag may tumama.

May gusto ako tanungin;

Saan tatama?

Saan tumama?

May isa pa, sinong takot?

Huli na talaga, kanino natatakot?

Umiikot padin yung bote.

Nakakahilo

Nakakalito

Nakakaumay

Nakakapagod

Nakakagag*

Basagin nalang natin 'to.

Tapos?

Tapos bibili ng bago.

Parang gag*

Bago para mas dalisay yung ikot.

Panibagong ikot

Panibagong pag-ikot

Subukan mo 'ko! - Sira ulong trumpo

0