Ang Pamilya Ko
Tagalog

Ang Pamilya Ko

by

fiction
family

Ako si Marcus. Apatnapu’t pitong taon na ako. Nakatira ako sa Boston. Taga-New York ako.

Taga-New York din ang nanay ko at taga-Houston naman ang tatay ko. Titser ang nanay ko at pulis naman ang tatay ko. Retirado at diborsiyado sila. Hindi ko sila kasama.

May asawa na ako. Farah ang pangalan. Nagtatrabaho ako sa Tanggapan ng Edukasyon, at sekretarya naman ng paaralan si Farah.

May dalawa kaming anak, si Michael at si Danilo. Grade 12 na si Michael at Grade 10 na si Danilo sa Holy Angels Academy. Mababait at matatalino sila.

[Pinalitan ang mga pangalan.]

Headline image by scatteredbitsoflight on Unsplash

0